KASAYSAYAN NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NG MAHAL NA PUSO NI HESUS (Poras , Boac, Marinduque) Bago pa sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig ay mayroon ng kapilya ang barangay ng Poras. Ito ay sa pamamagitan nina G. Primo Mercene, G. Juan Jabat at G. Doroteo Mambio. Ang kapilyang kanilang ginawa na yari lamang sa magagaang materyales na makikita sa kanilang lugar tulad ng pawid , kawayan at kahoy ay nakatayo sa lupa ni G. Mercene. At noong ika-24 ng Mayo 1939, ginanap ang unang misa para sa kanilang santo-patron, ang Mahal na Birhen ng Lourdes sa pangunguna ni Reb. Padre Jose Zoleta, kura paroko ng Inmaculada Conception sa bayan ng Boac.Nagpabago-bago ng lugar ang nasabing kapilya dahilan sa pagkasira ng bagyo. Binago rin ang petsa ng kapistahn ng kanilang patron. Dahal ang tunay na kapistahan ng Lourdes ay Pebrero 11, ginawa nilang Mayo 11 ang kanailng kapistahan na dati ay Mayo 24. Makalipas ang ilang panahon ay itinatag ang unaang Barangay Pastoral Council sa Poras no...